Tuesday, August 22, 2006

BZing BZeee

Ilang libong taon na yata akong walang update!!! Buhay pa 'ko mga blogkada masyado lang busy sa trabaho. Heto ang kalagayan ng aking leeg sa halos buong maghapon.

Kurbata

Friday, May 12, 2006

Bakit New Zealand? (Part 3)

Review... 'yong unang bahagi ng post kong ito ay nauukol sa kung ano ang nakapag-patibay ng loob ko para mangibang-bayan. Siguro naman halos lahat ng Pinoy expats makakasimpatiya sa mga sinabi ko. Ang pangalawang bahagi naman ay ang unang bahagi ng tutoong dahilan kung bakit ako nandito sa New Zealand - it's basically a blessing. Sabi ng ibang blogkada suwerte daw na galing sa Diyos (Mmy-lei), hmmm... mukha nga!

Okey, ito na ang huling parte. Ngayon gusto kong isa-isahin ang mga katangian ng New Zealand na unang naka-bighani sa akin... naks lalim ng Tagalog ano! Heto ha;

Dito yata galing si Mr. Clean!
Napakalinis naman talaga ng paligid. Napakalinis din ng hangin. Maikukumpara ko lang ito sa mga lugar na narating ko na gaya ng Singapore, Hong Kong, California, Sydney at Melbourne. Palagay ko wala pa ring tatalo sa linis ng nalalanghap kong hangin dito. Hindi ko alam kung maikukumpara ko sa mga lugar sa Europa at Middle East dahil hindi pa ako nakakarating sa mga lugar na ito. So, I can only speak for where I've been.

Walang traffic!
Nabanggit ko na sa dati kong post (Ang Opisina...) na di ka pressured sa oras dito kasi nga na madali ang daloy ng traffic (anyway, speaking from Wellington). Dahil dito, hindi nauubos ang apat na oras para lang sa pag-biyahe patungo at galing trabaho. Ang epekto, meron kang nai-dagdag na apat na oras sa isang araw para gugulin mo para sa pamilya.

Relaxed living.
May kaugnayan ito sa sinabi ko tungkol sa traffic. Halos walang rush hour at hindi ka masyadong pressured sa buhay at maalwan ang daloy. Again speaking from a Wellingtonian's perspective. Iba yata kasi ang sitwasyon sa Auckland (ang pinakamalaking siyudad sa NZ). Hindi lang sa daloy ng traffic ka relax kundi sa attitude din ng mga tao. Nabanggit ko na rin ito sa "Ang Opisina..." post ko.

Safe and secure.
Kung ikukumpara mo sa ibang bansa (again I'm speaking in comparison with the places I've been with), mas safe pa din dito sa New Zealand. Di ka mag-aalala na baka kidnapin ang anak mo sa mall kapag nawalay sa 'yo ng ilang sandali. Di ka mag-aalala na baka nakawin ang kotse mo kapag nakalimutan mong i-lock sa parking lot ng shopping mall (speaking from experience ito ha... baka ang ibang tao iba ang experience). Ilang beses na rin naming naiwanan ng hindi naka-lock sa gabi ang main door ng aming bahay, pero hindi pa naman kami pinasok o pinag-looban. Di ko sinasabing 100% secured, dapat pa ring mag-ingat, pero relatively safe OK.

Magagalang at friendly ang mga tao.
Kung meron kang nakasalubong, babatiin ka ng "Good morning/afternoon/etc." Maski sa elevator, ngi-ngitian ka o di kaya ay tutungo (gesture of greeting). Halos wala ding racial discrimination. "Halos" kasi hindi ka namang dapat mag-generalizations. Kung tutuusin, tayo din namang mga Pinoy merong prejudices sa ibang kultura eh.

Economy.
Need I say more. Siyempre naman mas angat ang kalagayan ng buhay dito kumpara sa Pinas ano. Meron akong nakitang website na naglalarawan ng standard of living ng mga siyudad dito sa New Zealand. For your reference heto ang Quality of Life website.

Pero alam n'yo, inspite of all this, mahal ko pa rin ang ating inang bayan. Ako'y nangangarap pa rin sa araw na ang mga Pinoy na nasa ibang bansa ay maakit bumalik sa inang bayan dahil sa mga dahilang katulad ng nabanggit ko kung bakit ako naakit sa New Zealand. Ang pangarap na ito siguro ay para na sa aking mga apo o apo-sa-tuhod.

Tuesday, May 09, 2006

Bakit New Zealand? (Part 2)

Saan na nga ba tayo... ah sa mga dahilan kung bakit ako umalis ng Pinas. Mukhang dapat pamagat noong nakaraang post ay "Bakit Ako Umalis ng Pinas." At, matatanong n'yo siguro na New Zealand ba ang naging kasagutan sa mga aking mga hinaing. Unang-una, wala sa isip ko ang New Zealand noon. Ang nasa isip ko eh, kung umalis man ako ng Pinas, gusto lang gumawa ng pera at bumalik din o di kaya ay samahan ang mga magulang ko na nasa US na noong panahon na iyon. In other words, kung di rin lang sa US, eh ala talaga akong balak manirahan sa ibang bayan ng permanente. Gaya din siguro ng karamihang mga Pinoy, ganito ang takbo ng utak ko noon.

Pero, meron tayong kasabihan na kung hindi ukol hindi bubukol. Ibig bang sabihin hindi ako umubra sa U.S.? Not entirely true! Ganito ang takbo ng pangyayari. Noong taong 1993, nag-bukas ang kumpanyang aking pinag-tratrabahuan ng "opportunities" na makapag-trabaho sa labas ng Pinas. Isang multi-national I.T. company ito at, binalak na kumita ng dolyar sa pamamagitan ng "pag-export" ng manpower sa mga subsidiaries ng kumpanya sa iba't-ibang parte ng mundo lalo na sa Asia-Pacific region. Isa ako sa mga unang nailista sa mga nakatakdang ma-assign sa labas ng bansa... sa Pakistan. Ngunit nag-iba ang ihip ng tadhana at biglang nangailangan ng tao sa isang proyekto dito sa New Zealand at bago ako ipadala dito ay pinag-training muna ako ng dalawang linggo sa Sydney, Australia.

Noong nasa Sydney ako naka-enkuwentro ako ng ilang mga Pinoy. Siyempre gaya ng kahit anong malaking siyudad sa mundo, merong Pinoy. Naitanong ko kung ano ang kalagayan ng New Zealand dahil alam kong doon ako madedestino ng matagal. Dito pa lang nakakuha na ako ng ilang impormasyon tungkol sa New Zealand. Lalo akong naging excited kasi nga naman "it is a far cry from what I originally was destined to go to, i.e. Pakistan." Di naglaho at napadpad na nga ako dito sa New Zealand na may 1 year work visa (multiple entry). Kahit tatlong buwan lang ang proyekto namin ay isang taon akong libreng mag-labas pasok sa bansa!

Up to that point, hindi ko pa nasubukang mag-apply ng trabaho sa ibang bansa... oo pexman. Kasi OK naman ang lagay ko sa aking kumpanya noon... Oo naisip kong mag-abroad, pero ang plano ko, kapag nagkaroon na ng magandang experience, saka ako mag-susubok mag apply sa ibang bansa, i.e sa U.S. muna ang puntiria ko siyempre. Di ko talaga akalain na sa ganitong paraan ko pa matatamo ang pagkakataong hinihintay (at binabalak ko). Ito ang ibig kong sabihing "Kung di ukol di bubukol!"

Ni wala sa isip ko talagang mapadpad man lang sa sulok ng mundong ito pero nangyari. Sa loob ng tatlong buwan na itinira ko dito, nakita ko kung gaano kaganda ang bansang ito at ideal na "pag-pugaran." Marami akong natutunan tungkol sa kultura, sa "way of life", ekonomiya ng bansa, pamahalaan, at kung ano-ano pang mahahalagang bagay na dapat mong malaman kung maisipang mong tumira sa New Zealand.


Dahil napagpasyahan kong magandang ma-mugad sa New Zealand, di ko na pinakawalan ang pagkakataon. To cut to the story short, nakahanap ako ng trabaho dito at nakuha ko ang aking Resident Visa noong taong ding iyon.... heto ang sequence of events:
- Pebrero 1994 ako dumating,
- Mayo 1994 ako nagkaroon ng bagong trabaho dito
(ayaw akong kunin ng subsidiary ng kumpanya namin dito sa NZ - against inter-company policy daw)

- Augosto 1994 ko nakuha ang aming Resident Visa
- Oktubre 1994 dumating sila "wan en onli" ... to join me at last

O ayan nai-kuwento ko na isang malaking bahagi ng buhay namin. Sa susunod, isa-saysay ko ang mga bagay na nakapag-patibay ng aming desisyon para manatili dito sa Middle Earth. Abangan uli...

Friday, May 05, 2006

Bakit New Zealand? (Part I)

Masyado yata akong nalibang sa kakasulat tungkol sa pag-ibig tapos naging sobrang busy... tapos puro kanta... kaya nakalimutan ko na na anniversary nga pala ng aking pagdating dito sa New Zealand noon nakaraang Pebrero. Labing-dalawang taon ko na dito! 1994 noong mapadpad ako dito at matagal-tagal na ring nawalay sa inang bayan. At madalas maglaro sa isip ko kung ano na kaya ang kalagayan ng bayan natin ngayon kung ikukumpara mo noong 1994. Hindi pa ako nakakadalaw simula noon. Sa tagal ko nang nalayao, nasasabik tuloy ako sa naka-schedule na pag-bisita namin sa Setyembre. Bakit ganoon, ano, nilayasan ko tapos pananabikan din. Parang babaeng kay hirap talagang malimutan.... ooops kanta na yata 'to.

Mabalik nga tayo sa usapan. Bakit nga ba ako umalis in the first place? Siguro mahuhulaan n'yo na sagot. Ang common denominator sa ating lahat na mga nangibang-bayan ay.... ang "search for greener pastures"... ang "search for a better life". Kahit sinong tanungin ko, pati na sarili ko, na umalis ng Pinas heto ang unang sinasabi. Pero ito lang ba ang dahilan? Sa ganang akin, hindi lang ito eh. Heto ang ilan sa mga insidenteng nakapag-patibay ng aking desisyon para mangibang-bayan.

Insidente No. 1:
Kakababa ko pa lang ng jeepney sa kanto ng Blumetritt at Espana Blvd. at patungo na ako sa amin, sa may Ibarra St. Biglang may nagsusumigaw na ale at may hinahabol na mamang kumakaripas ng takbo papunta sa Sisa St. 'Yon pala snatcher ang mama at hinablot ang kuwintas ng ale. Natiklo ng "madlang pipol" ang mama ng makarating sa Plaza Noli. Hayon, dinumog siya at mag-asawang sipa't suntok, mag-pinsan na tadyak at hampas ang inabot ng mama.

Insidente No. 2:
Si Fidel Ramos ang sumunod na presidente pagkatapos ni Cory Aquino. Malaki ang pag-asa ng buong sambayanan kay Ramos. Bagama't di ko binoto si Fidel, elibs ako sa kanya... oo pexman... pero mas naniwala ako kay Jovy (Jovy Salonga). Pero noong panahon na 'yon, kapansin-pansin na ang pag-dagsa ng ma artista at basketbolista sa larangan ng politika. Wala naman akong di sinasangayunan dito, pero basta't sikat, kakandidato agad. Ginamit ang kanilang katanyagan upang makaupo sa puwesto ng kapangyarihan na walang pakundangan man lang sa mga responsibilidad na nakapataw sa balikat ng isang lingkod-bayan. Mahirap nang magbanggit ng panggalan pero siguro marami kayong kilalang ganito. Eh hindi naman pelikula ang politika at hindi rin mayaman na producer ang pamahalaan ng Pilipinas. Katunayan ala na yatang laman ang kaban ng bayan.

Insidente No. 3:
Si Kuya, ang pangatlo kong anak at panganay sa lalaki (2 lalaki anak ko), ay masakitin noong maliit siya. Minsan dinapuan siya ng matinding pag-susuka at pag-dudumi. Isinugod namin sa UST "public" ward ni "wan en onli". First time ko sa public ward noon. Doon kami nagpunta kasi wala pa kaming gaanong pera noong panahong iyon atsaka kasi medyo mapagmalaki ako noon, ayaw kong mang-hiram ng pera sa biyenan ko o magulang ko... (isang tangang mapagmalaki). Naku, ginoo! Ang dami palang nakapila sa public ward!!! Halos umagahin kami!!! Namuti na halos ang mga mata namin (at halos tumirik ang mata ni Kuya) dahil hating-gabi na at di pa tinatawag si Kuya para tingnan ng duktor. Kinain ko ang "pride" ko (naging fried "pride"), humingi ako ng pera sa biyenan namin at isinugod ko si Kuya sa "regular" ward.

Tatlo lang ito sa mga insidenteng nakapagpatibay ng aking desisyon upang umalis. Tatlong insidente na naglalarawan ng kalagayan ng atin inang bayan. Mga insidenteng may kinalaman sa siguridad at katahimikan, politika at pamamahala, at socio-economic situation ng ating bansa. Naitanong ko sa aking sarili kung bakit kailangan kong harapin ang mga ganitong bagay gayong matapat naman akong mamamayan... nagbabayad ako ng buwis ha! Wala naman akong dinadaya. Bakit para bagang kayod ako ng kayod upang umasenso... pero mukhang hindi umuusog ng pasulong ang gulong ng buhay. Ilang mga katanungang marahil naitanong din ninyo sa inyong sarili.

Buweno... Biyernes ngayon at merong "Friday drinks n' nibbles" dito sa opisina... kaya itutuloy ko na lang next week.... Hmmm...

Abangan ang susunod na kabanata.

Monday, May 01, 2006

Isang hirit pa sa Sing-Along...

FLY ME TO THE MOON
Sung by Frank Sinatra

Fly me to the moon
And let me play among the stars
Let me see what spring is like
On Jupiter and Mars
In other words hold my hand
In other words darling kiss me

Fill my life with song
And let me sing forevermore
You are all I hope for
All I worship and adore
In other words please be true
In other words I love you



Moonlight

Kuha ng buwan mula sa salas ng bahay.

Sagot sa Tag ni KU

Heto ang sagot sa tag ni Ka Uro. Siguro may hint na kayo kung bakit ang mga awiting ito ang laman ng aking utak sa ngayon... tama, dahil sa Magic Sing na 'yan. Puwes heto ang mga kantang masarap kantahin eh.

...Oo walang "My Way" kasi bawal nang kantahin sa sing-along dito 'yan... meron nang self-imposed ban ang karamihan ng Pinoy dito sa Wellington. Pasensiya na kung medyo mahaba dahil bitin kung pitong linya lang ng kanta ang ilalagay.

Siya nga pala, anim na kanta lang ito. Ang pang-pito sa sunod na blog kasi may kahalong litrato... O heto na ang mga kanta in alphabetical order, sige sing-along na kayo...

1) FOR ONCE IN MY LIFE - Tony Bennett

For once in my life I've got someone who needs me,
Someone I've needed so long;
For once unafraid I can go where life leads me,
Somehow I know I'll be strong.
For once I can touch what my heart used to dream of
Long before I knew
Someone warm like you could make my dreams come true.


2) HARANA - Parokya ni Edgar


Uso pa ba ang harana, Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago, Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintonado sa kaba, May'rong dalang mga rosas
Suot na may ma-ong na kupas,
At naryan pa ang barkada, Naka porma naka barong
Sa awiting daig pa ang minus one at sing-along.


3) L O V E - Nat King Cole

L is for the way you look at me
O is for the only one I see
V is very, very extraordinary
E is even more than anyone that you adore can
Love is all that I can give to you
Love is more than just a game for two
Two in love can make it
Take my heart and please don’t break it
Love was made for me and you


4) MINSAN LANG - Ariel Rivera

Mahal, pangako sa iyo, Hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko, Kahit Ikaw ay lumayo
At masaktan ako, Asahan na 'di maglalaho
Ang pag-ibig ko'y tanging sa'yo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman.
Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sa'yo'y walang hangganan
Dahil ang minsan, ay magpakailanman.


5) SMILE - Nat King Cole

Smile though your heart is aching
Smile even though it’s breaking
When there are clouds in the sky, you’ll get by
If you smile through your fear and sorrow
Smile and maybe tomorrow
You’ll see the sun come shining through for you
Light up your face with gladness
Hide every trace of sadness
Although a tear may be ever so near
That’s the time you must keep on trying
Smile, what’s the use of crying?
You’ll find that life is still worthwhile
If you just smile


6) SIMPLE LANG - Ariel Rivera

Simple lang naman ang nais
Sa damdamin at sa isip
Hindi ba't kay sarap ng buhay
Kung simple ang dating
Simple lamang sa pag-ibig
Nang `di laking gulo sa isip
Kailangan mong maging tapat
Ganyan kung umiibig.

Wednesday, April 26, 2006

Mga Nakaraang Yugto - Part 2

O nakakasunod pa ba kayo? Heto ang huling update para sa buwan ng Marso.

March 14 - Dumalaw si Erpat at Ermat ko dito sa Middle Earth

Sa ikalawang pagkakataon ay dumalaw sila erpat at ermat ko dito. Mahaba din ang bakasyon na nakuha nila sa trabaho... oo bata pa sila, wala pang 60s.

Noong unang dalaw nila, isa't kalahating linggo lang sila dito (way back 1998) pero ngayon tatlong linggo. Mas na-appreciate nila ngayon ang lifestyle dito sa New Zealand. Hindi raw kasing hectic ng buhay nila sa lupain ni Uncle Sam. Kaya na-decide nilang dito mag-retire... sana nga. I'd really like them to be with me now that they're approaching their retirement years. Gusto ko silang alagaan kapag matatanda na sila upang masuklian ko man lang kahit konti ang mga hirap nila sa amin noon.

Tuwang-tuwa naman sila dahil napakatahimik daw ng New Zealand kumpara sa "rush 'n buzz" ng California. Narating din namin ang Christchurch... Ka Atoy, hanggang doon lang ang narating namin. Sa susunod siguro sa Queenstown... o yan Ka Atoy ha!


March 23 - Dumalaw si Yoyong, ang pinsan ni "wan en onli"

Bumisita sa unang pagkakataon dito ang pinsan ni "wan en onli" - si Yoyong (Rey ang tunay na pangalan niya). Siya ay isang typical na Pinoy success story sa lupain ni Uncle Sam. Nagtratrabaho siya sa Silicon Valley at bagong kasal lang sila ng kanyang magandang maybahay na si Rosie (isang Mexicana) na ubod naman ng bait at talagang "down to earth". Maski nakakaangat na ang kalagayan ni Yoyong kung ikukumpara mo sa buhay nila sa Sampaloc noon, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang pinaggalingan. Dinala nga niya si Rosie sa Sampaloc. Naipasyal pa nga raw ni 'Yong si Rosie sa Trabaho market kung saan malapit nakatira sila 'Yong (pati kami) noon.


March 27 - Araw ang aking kapaganakan

Not a big celebration kasi next year pa ang "BIG-4-ow" ko. Isang taon pa bago sumapit ang "life has just begun", "over d' hill" stage ng buhay ko. So puwede ko pang sabihin na "I'm in my 30's" pa rin. Niregaluhan ako nila erapt ng makabag-bag damdaming... "Magic Sing" (kaya't heto't parati akong paos).

Kaya sa ganang ito, masaya ako sa aking ika-39th birthday dahil mayroong kaming kapiling na mga malalapit na kamag-anak. Ilang kaibigan din ang dumating sa bahay at nag-inuman ng konti... tapos karaoke ng konti dahil nakainom na... O heto ang pamilya kasama si erpat, ermat, Yoyong at Rosie sa harap ng bahay.


Family & Relatives

O sige kayong mga blogkada ko... inuman na rin maski medyo belated na ang celebration... sarap ang dark beer dito eh... me pulutan pang sisig!

Monday, April 24, 2006

Mga Yugto ng Nakaraan (Nagising din Ako!) Part 1

Heto't medyo naudlot ng matagal sa pagkakatulog sa blogging. Oo... buhay pa po ako at natabunan lang ng maraming gawain sa trabaho at sa bahay. Marami pa naman sana akong gustong sabihin tungkol sa mga iba't ibang events at issues sa ating bansa at maging sa mga Pinoy dito sa Middle Earth. Pero ala na eh... huli na para magbanggit pa ng mga iba't ibang bagay tungkol sa mga nakaraang isyu.

Pasensiya na mga blogkada! Maraming salamat din sa mga dumaan kahit para bang di na ako namamansin. Busy lang talaga. Alam ko marami na akong utang kaya heto mag-po-post uli.. Eh... ano na nga ba ang nangyari sa akin, heto't aking gugunitain ang ilan sa mga yugto ng Marso...

March 11 - Pinoyz2NZ Wellington Meet

Na-post na ni KU ang tungkol Pinoyz2NZ dati. At nabanggit ko rin sa pangalawa kong blog. Elibs ako sa organisasyon kasi "bayanihan in action". Hindi lang sa pagbibigay ng impormasyon pero extended na rin sa pag-tutulungan sa sandaling makarating ng Middle Earth ang mga "kampon ni Lam-ang" (nabasa n'yo na ba ang Biag ni Lam-ang?... kundi pa uliratin ninyo ang inyong Pinoy litrature). Dalawang grupo na dito sa Middle Earth ang may kaugnayan sa Pinoyz2NZ, ang "Wellington Pinoyz" at "Auckland Pinoyz"

Nasabi kong bayanihan in action kasi nga tulong-tulong. Mula sa pag-bibigay ng impormasyon sa cyberspace ukol sa iba't ibang bagay na may kaugnayan sa pag-immigrate dito. Sa ngayon halos lahat ng bumubuo ng Pinoyz2NZ ay nasa Pilipinas pa. Pero doon pa lang sinisimulan na ang pag-tutulungan at pag-dadamayan. Nakikita ko sa email na binabahagi ng mga miyembro ang kanilang success kapag natanggap na ang visa. Isang bagay na napakagandang tingnan dahil nakakapag-bigay inspirasyon sa mga ibang nagsisimula pa lang sa pag-aaply ng visa. At panay din ang words of encouragement sa isa't-isa!! Okay ano!

Hindi lang sa visa approval nagtatapos ang istorya. Meron ding mga umaakay sa mga bagong dating na Pinoy dito sa New Zealand. Dito pumapasok ang Wellington Pinoyz at Auckland Pinoyz.... ooops siyempre kasama na rin ang maraming NZPinoyz na tumutulong maski hindi officially kasapi sa dalawang organisasyon na nabanggit. Eh anong klaseng pag-akay:
- pag-susundo sa airport, paghahanap ng tirahan,
- pag-kupkop/pagpapatira ng panandalian habang nag-hahanap ng tirahan o trabaho,
- pagtulong sa paghahanap ng trabaho,
- pag-turo-turo kung saan makakasakay ng train, bus, etc. (trivial pero importante)
at marami pang iba!

Kaya't nagsalo-salo noong ika-11 ng Marso. O heto ang pix.


Pinoys2NZ